NG MITOLOHIYANG PILIPINO
Ang mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga salaysay at pamahiin hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mgaPilipino. Ito'y mga paniniwala na mula sa mga panahon bago dumating ang mga Espanyol at ipinakilala ang Kristyanismo. Hangang ngayong ang paniniwala sa mga diyus-diyusan sa mitolohiyang Pilipino at mga pamahiin ay buhay pa rin sa kulturang Pilipino lalo na sa mga probinsya. Sa mitolohiyang Pilipino, si Bathala ang tinuturing bilang ang makapangyarihan na diyos sa buong daigdig. Ang mitolohiyang Pilipino ay halu-halo dahil sa rami ng mga etnikong grupo at katutubo na may sari-saring paniniwala at diyus-diyusan.
Ang Mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng mga diyos, mga hayop, mga mahiwagang nilalang at mga diwata. Ito rin ay binubuo ng mga panitikan; mga epiko, alamat at kwentong bayan.
KASAYSAYAN AT IMPLUWENSIYA NG MGA ASYANO
Bago dumating ang mga Espanyol ang mga sina-unang Pilipino ay mayroon na ng mga sariling relihiyon tulad ng Animismo; ang pagsamba sa kalikasan, at Paganismo. Ang mga paniniwala nila ay inipluwensyahan ng mga banyaga lalo na ang mga Indyano, Malay at Indones at ibang mga Asyano na lumahok sa pangangalakal sa Pilipinas. Si Bathala ay may pagkakatulad sa diyos ng mga Indones na si Batara Guru at ng mga Indyano na si Shiva, habang ang Indyanong Epiko na Ramayana at Mahabharata ay isinalin sa katutubong wika ng Pilipino at maraming salin ito sa iba't ibang relihiyon ng mga katutubong Pilipino. Ang mga inpluwensya na ito ay idinala ng mga nangangalakal mula sa karatig na mga bansa noong nabuhay pa ang Indyanong kaharian sa Taylandya, Malaysia at Indonesia. Ang mga diyos sa mitolohiyang Pilipino ay bahagyang dahan-dahan na nawala sa pagdating ng mga Espanyol at ipinakilala ang Kristyanismo. Ang mga Espanyol ay naging agresibo sa kanilang kampanya laban sa mga katutubong relihiyon na naging resulta sa diskriminasyon sa mga hindi Kristyano. Inutos ng Simbahang Katoliko na isunog at itapon ang mga anito ng mga Pilipino at lahat ang mahuhuli na sumasaba sa mga anito ay isusunog o kaya paparusahan. Sa modernong panahon ngayon marami pa rin ang naniniwala sa mitolohiyang Pilipino.
PANTEONG PILIPINO
Bathala - ang pinaka makapangyarihang diyos sa lahat ng mga diyos, siya rin ay kilala bilang Maykapal
Lakampati - ang diyosa ng pagkamayabong.
Pati - ang diyos ng ulan.
Lakambakod - ang diyos ng mga palay at ang paghilom ng mga sugat.
Apolaki - siya ang pinapaniwalaan na siya ang diyos ng digmaan, paglalakbay at pangangalakal.
Mayari - ang diyosa ng buwan.
Lakambini - ang diyosa ng pagkain.
Lingga - ang diyos ng paghilom ng sugat at pagkamayabong.
Mangkukutod - ang diyos ng isang partikular na grupo ng mga Tagalog.
Anitong Tao - ang diyos ng ulan at hangin.