Binubuo ang mitolohiyang Griyego ng isang malaking bahagi ng mga koleksyon ng mga salaysay na ipinapaliwanag ang pinagmulan ng mundo at dinidetalye ang mga buhay at pakikipagsapalaran ng mga iba't ibang mga diyos, diyosa, at bayani. Sa una, ipinamamahagi ang mga salaysay na ito sa isang
tradisyong tulang-pabigkas; ang ating mga nanatiling pinagkukunan ng mga Griyegong mitolohiya ay mga gawang pang-panitikan ng tradisyon pagbigkas. Sumasalamin din ang mitolohiyang Griyego sa mga artipakto, ilang mga gawang sining, lalo na iyong mga pintor ng mga plurera. Tinutukoy ng mga Griyego mismo ang mga mitolohiya at mga kaugnay na gawang sining upang magbigay liwanag sa mga kultong pagsasanay at ritwal na mga tradisyon na napakaluma na at, minsan, hindi nauunawang mabuti.
Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing dyos at dyosa ng mga Griyego
Zeus - punog diyos
Hera - asawa ni Zeus;diyosa ng langit, mga babae, kasal, at panganganak
Apollo - diyos ng araw;diyos ng liwanag, musika, medisina at propesiya
Poseidon - diyos ng dagat, lindol, at kabayo
Hermes - diyos ng komersyo, magnanakaw, biyahero, at laro;sugo ng mga diyos